Saturday, January 31, 2026

60-ANYOS NA LALAKI, INARESTO SA BALUNGAO DAHIL SA PAGLABAG SA RA 7610

Isang 60-anyos na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad bandang alas-8:20 ng umaga noong January 5, 2026 sa bayan ng Balungao, Pangasinan.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng mga tauhan ng Balungao Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sa ilalim ng Criminal Case No. 8598, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng 80,000 pesos.

Kinilala ang akusado na isang manggagawa, at residente ng nasabing bayan.

Matapos ang pag-aresto, agad siyang dinala at kasalukuyang nasa kustodiya ng Balungao MPS para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso.

Patuloy ang paalala ng kapulisan sa publiko na igalang ang batas at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments