60 Bagong Positibo sa COVID-19, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Animnapung (60) katao ang naitalang bagong positibo sa COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 60 new COVID-19 cases na naitala sa Isabela, tatlumput anim (36) ang naiulat sa Santiago City, walo (8) sa bayan ng San Mariano, tatlo (3) sa bayan ng Quirino, tig-dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan, Divilacan at Angadanan habang tig-isa (1) naman sa bayan ng Alicia, Cabagan, Cabatuan, Palanan, Ramon, San Pablo at Tumauini.

Kasabay ng mga naitalang bagong kaso, gumaling naman sa COVID-19 ang labing siyam (19) na nagpositibo.


Sa kasalukuyan, mayroon nang 407 na aktibong kaso ng COVID-19 at ang probinsya ng Isabela.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, lima (5) ang Returning Overseas Filipino (ROFs), labing dalawa (12) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), apatnaput siyam (49) na Health Worker, apat (4) na pulis at 337 na Local Transmision.

Facebook Comments