60 Health Workers ng CVMC, Naturukan ng Booster Shot kontra COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakatanggap na rin ng booster shot laban sa COVID-19 ang nasa 60 health workers ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kahapon, Nobyembre 17.

Mismong si CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao ang unang naturukan ng bakuna sa rehiyon sa ginawang vaccination rollout.

Inihayag naman ni Dr. Baggao na malaking kaginhawaan para sa kanila na mabigyan ng booster shot na Pfizer brand at gaya ng dati ay walang nararamdamang adverse effect.


Ilan rin sa mga medical doctor at nurses ng ospital ang tumanggap ng bakuna at inaasahang isusunod na makatanggap ng booster shot ang nasa 2,400 medical frontliners.

Samantala, nananatili na lang sa 60 pasyente ang admitted sa kanilang pangangalaga, mas mababang bilang noong kasagsagan ng COVID-19 surge.

Bahagi ng sabayang pagtanggap ng booster shot sa bansa ang pakikiisa ng pamunuan ng CVMC.

Facebook Comments