Memorial service, inalay ng Kamara para sa mga kongresista, dating kasamahan at mga empleyadong pumanaw ngayong taon

Nag-alay ng memorial service ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa mga kongresista, dating kasamahan at mga empleyado na pumanaw ngayong taon.

Alas-8:00 ngayong umaga ay sinimulan ang memorial service para sa mga yumaong mambabatas at kawani.

Pinangunahan ni Speaker Lord Allan Velasco ang eulogy para sa mga ito.


Kabilang sa mga kasamahan na inalayan ng pagalala ay sina Congs. Resurreccion Acop, Pablo Garcia, John Henry Osmena, Victor San Andres Ziga at si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Dinaluhan din ang memorial service ng mga kaanak ng mga yumao at ilang mga kongresista.

Facebook Comments