Pinangunahan ni PBGEN Percival Rumbaoa, Acting Regional Director, katuwang ang iba pang PRO 2 officers, at ng Bureau of Fire Protection personnel ang pagsira ng mga nakumpiskang iligal na paputok tulad ng picollo, pop-pop, five star, pla-pla, lolo thunder, giant bawang, whistle bomb, super lolo, large Judas belt, binladen, mother rockets, kwitis at luces.
Ayon kay ARD Rumbaoa, ang serye ng mga operasyon na isinagawa ng kapulisan ay malaking tulong sa pagsugpo ng mga firecracker-related injuries sa Lambak ng Cagayan ngayong holiday season.
Binigyang-diin pa niya na umaasa siyang mananatiling “Casualty-Free” ang rehiyon ngayong holiday season sa pamamagitan ng istriktong pagpapatupad ng RA 7183 o Fireworks Law.
Ayon sa kanya, ang pagsira ng mga iligal na paputok at pyrotechnics ay nagpapakita na seryoso ang PRO2 sa kampanya nitong ipatupad ang Firecrackers Law upang hindi makapagtala ng anumang firecracker-related injuries ngayong holiday season.
Samantala, pinaalalahanan din niya ang mga kapulisan na iwasan ang indiscriminate firing at paggamit ng mga illegal na paputok.