60 kabahayan, natupok sa nangyaring sunog sa Malibay, Pasay

Manila, Philippines – Natupok ang may animnapungkabahayan sa nangyaring sunog kaninang madaling araw sa lungsod ng Pasay.
  Nagsimula ang sunog ala-1:05 sa residential area sa ApeloSt.,Malibay kung saan nagmula ang apoy sa bahay na pag-aari ng isang RandyPunzalan.
  Dahil gawa sa light materials ang bahay, mabilis nakumalat ang apoy na umabot sa 5th alarm.
  Tinatayang nasa P200,000 ang halaga ng ari-arian nanatupok habang inaalam na din ang dahilan ng sunog.

Facebook Comments