Tatlo, sugatan sa magnitude 7.2 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental

Manila, Philippines – Tatlo ang naitalang sugatan sapagtama ng 7.2 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.
  Sa interview ng RMN sa staff ng Rehabilitation and ManagementSection Office ng Office of the Civil Defense – region 12 na si Adrian Morales,sinabi nito na ang naitalang injured ay pawang naninirahan sa munisipalidad ng Glan,Sarangani.
  Bukod dito, ilang bahay rin ang naireport na gumuhohabang walang suplay ng kuryente ang ilang lugar sa musipilidad ng Malungon.
  Ilang residente din na malapit sa baybayin ng Sarangani anglumikas matapos maglabas kaninang umaga ng tsunami warning ang PHIVOLCS, naagad ding inalis bandang alas-syete ng umaga.
  Sa ngayon, nagpapatuloy ang assessment ng OCD region 12sa iniwang danyos ng nangyaring pagyanig.

Facebook Comments