Bilang paghahanda sa maagang edad, sinanay ng Lokal na Pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang 60 kabataan sa mga kasanayang magliligtas ng buhay upang epektibong makatugon sa anumang uri ng emergency.
Sa ilalim ng Nippers Program na inilunsad ng LGU, ang mga kabataan mula sa mga piling pampublikong paaralan sa munisipalidad ay sumailalim sa pag-aaral ng mga pangunahing teknik sa lifesaving sa baybayin ng Barangay Tammocalao.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang isang pribadong organisasyon, na naglalayong hubugin ang susunod na henerasyon ng mga responders bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan ng komunidad sa buong bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








