60 Karton ng Alak, Kumpiskado sa 3 Suspek

177

Cauayan City, Isabela-Arestado ang tatlong indibidwal sa iligal na pagbiyahe ng alak sa Brgy. San Antonio, Diffun, Quirino kamakalawa.

Nakilala ang mga suspek na si Edgar Berba, 49-anyos, driver; Roger Roy Dela Rosa, 27-anyps, helper at pawang residente ng La Union at Noel Dennis, 27-anyos, isang helper at residente ng Pangasinan.


Ayon sa mga awtoridad, nahuli sa aktong ibibiyahe ng mga suspek ang 60 karton ng iba’t ibang alak lulan ng isang Elf Closed Van na may plakang NDM 6195.

Agad na dinala sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11332 at pagpapatupad ng EO 008 series of 2013 (Liquor Ban).

Facebook Comments