Brgy. Chairman, Inaresto sa Cagayan

132

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang isang barangay Captain matapos na makuhanan ng iligal na baril sa Barangay Tabba, Pamplona, Cagayan.

Isinilbi ng mga elemento ng PNP Pamplona ang search warrant sa tahanan ng Kapitan ng naturang barangay na si Allen Leif Duyor, 40 anyos kung saan narekober sa pag-iingat nito ang isang (1)12 gauge shotgun at isang (1) bala ng naturang baril.


Dinala ang Kapitan kasama ang nakumpiskang baril sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments