60 tao, patay habang daan-daan ang nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa Democratic Republic of Congo

736

Tinatayang nasa 60 tao ang nasawi habang daan-daan nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa Congo River sa Western Democratic Republic of the Congo.

Ayon kay Steve Mbikayi, minister for humanitarian action, 700 katao ang sakay ng bangka na papunta sana sa probinsya ng Equator.


Aniya, ang pangunahing dahilan ng paglubog ng bangka ay ang sobrang dami ng pasahero at cargo goods.

Sa ngayon, nagpapatuloy na ang isinasagawang rescue operations kung saan 300 indibibwal na ang nailigtas.

Facebook Comments