Bayan ng Sto. Tomas, Naikategorya na rin sa ‘Loal Transmission’

30

Cauayan City, Isabela-Ikinategorya sa ‘local transmission’ ang bayan ng Sto. Tomas, Isabela matapos maitala ang dumaraming kaso ng COVID-19 batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.

As of February 16, 2021, mayroong 22 active cases ang naturang bayan habang nakapagtala ito ng 12 cases linked at inaasahang sa March 16 ang containment sa lugar kung magtutuloy-tuloy ang hindi pagdagdag ng kaso sa lugar.


Batay sa pinakahuling datos ng DOH, kabilang pa rin sa ‘active status’ ng local transmission ang mga bayan ng Luna, San Mariano, Tumauini, Naguilian, Ramon, Reina Mercedes, Angadanan, at Cabagan sa Isabela; Solana at Baggao sa Cagayan.

Samantala, pumalo na sa kabuuang 8,075 ang tinamaan ng virus sa Cagayan Valley habang 537 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments