60 katao, patay matapos ang pagbaha sa India; higit 13 bilyong pananim, nasira

Tinatayang aabot sa animnapung (60) katao ang nasawi sa India matapos ang malakas na ulan na nagdulot ng pag-apaw ng malalaking mga ilog.

Ayon sa State Chief Minister ng India, pinakanaapektuhan ng pagbaha ay ang Telangana kung saan tinatayang nagkakahalaga sa 20 bilyong Indian rupees (katumbas ng 272.16 milyong dolyar o higit 13 bilyong piso) ang nasirang mga pananim.

Limampu (50) sa mga nasawi ay nagmula sa Telangana at sampu (10) ang mula sa western state ng Maharashtra na binawian ng buhay dahil sa pagguho ng pader, pagkakuryente at pagkalunod.


Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapalikas ng mga awtoridad sa mga residente at pinayuhan na ring manatili sa loob ng bahay kung malayo naman sa baha.

Facebook Comments