Cauayan City, Isabela- Animnapung (60) bagong positibo sa COVID-19 ang muling naitala sa Lalawigan ng Isabela ngayong araw ng Linggo, Oktubre 18, 2020.
Mula sa nasabing bilang, 47 ang naitala mula sa City of Ilagan na pinakamataas na naiulat sa loob lamang ng isang araw; apat (4) sa bayan ng Ramon, tatlo (3) sa Lungsod ng Cauayan; dalawa (2) sa Aurora at tig-isa (1) sa mga bayan ng Cabatuan, Gamu, Echague at San Manuel.
Dahil sa 60 na new confirmed cases, umakyat na sa bilang na 449 ang total active cases sa Isabela batay na rin sa pinakahuling datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).
Sa 449 na total active cases, 7 ang Returning Overseas Filipino Worker’s (ROF’s), 44 Locally Stranded Individuals (LSI’s), 33 healthworkers, at ang 365 ay kinabibilangan ng mga local at community transmission.
Pinag-iingat naman ang lahat at pinapayuhan na sundin ang mga minimum health standards at community quarantine protocols upang makaiwas sa banta ng COVID-19.