60% na target mabakunahan sa Special Vaccination Days, naabot ng DOH

Umabot sa higit 90,000 indibidwal ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa Special Vaccination Days noong Marso 29 hanggang 31.

Ito ay katumbas ng 60% na target na mabakunahan ng Department of Health (DOH).

Isinagawa ang naturang bakunahan sa Cebu, Region 11, Region 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi nababakunahan ang lahat ng mga Pilipinong dapat na tumanggap ng COVID-19 vaccine.

Samantala, umakyat na rin sa 65.9 million ang mga fully vaccinated na sa bansa habang nasa higit 12 million na rin ang nakatanggap ng booster shot.

Sa kabuuan ay nasa 142.4 million doses na ang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa.

Facebook Comments