60% ng COVID-19 patients sa PGH, hindi bakunado

38

60% ng COVID-19 patients na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH) ang hindi pa bakunado laban sa virus.

Katumbas ito ng 16 mula sa 27 mga pasyenteng may COVID-19 sa naturang ospital.

Ayon kay Dr. Evalyn Roxas, infectious disease consultant sa PGH, 12 sa kanila ang naka-admit sa COVID-19 wards habang apat nasa intensive care unit (ICU).


Samantala, 11 naman sa mga pasyente ang nakakumpleto na ng kanilang primary series pero isa lamang sa kanila ang nakapagpaturok na booster shot.

Facebook Comments