Iba-ibang bakuna sa Pinas, nakapagpataas ng immunity vs COVID-19

50

Hindi malabong makapasok sa Pilipinas ang mga bagong variant ng Omicron na nagdudulot ngayon ng COVID-19 surge sa ilang mga bansa sa Europe at Southeast Asia.

Ayon sa health reform advocate na si Dr. Anthony Leachon, bukod sa bukas na ang border ng Pilipinas para sa international travelers ay napakataas na rin ng mobility ng mga tao dahil sa maluwag na restriksyon.

Kaya para kay Leachon, mainam kung paghahandaan ng bansa ang posibleng pagpasok ng mga bagong variant sa pamamagitan ng pagbabakuna.


Naniniwala rin naman ang health expert na nakatulong ang pagkakaroon ng bansa ng iba’t ibang brand ng bakuna para mapalakas ang immunity kontra COVID-19.

Ito ang nakikita niynag dahilan kung kaya’t nananatiling mababa ang arawang kaso ng virus sa bansa.

Kasabay nito, sinabi ni Leachon na suportado niya ang pagbibigay ng second booster dose.



Facebook Comments