Tinatayang 600 pang business establishments ang naghihintay ng Safety Seal Certificate ng Department of Trade and Industry (DTI) para maibalik ang operasyon ng mga ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, kasalukuyan pang gumugulong at kailangan pang ma-inspeksyon ang mga nasabing business establishments kung tunay bang sumusunod sa mga health protocols.
Aniya, maaari namang magsagawa ng self-assesment ang isang establisyimento kung sila ay compliant sa safety standards sa pamamagitan ng safety seal microsite.
Batay sa kasunduan ng DTI, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT) maaaring kumuha ng Safety Seal Certificate ang lahat ng pribadong establisimyento at mga piling tanggapan ng gobyerno.