600 libong manok sa Pampanga, target ng DA na i-dispose

Pampanga – Inihayag ngayon ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mula sa 200 libong mga manok at itik na original na target sa pagkatay ay itinaas na sa 600 libo na ang target na idaan sa culling process ng Department of Agriculture.

Ayon kay Piniol, kakatayin ang nasa 600 na libong mga manok na infected ng Avian Flu sa Pampanga na nasa loob ng 7 kilometer radius zone.

Paliwanag ng kalihim, mismong mga farm owners na nasa labas ng 1 kilometer radius ang nagsabi na nais nilang maging bahagi ng chicken depopulation.


Dagdag pa ni Piñol, nasa 36 Poultry Farms na ang nag-volunteer na magpakatay ng kanilang mga manok at kanila itong tinuturing na malaking tulong sa paglilinis ng virus sa contained zone.

Sa pinakahuling tala, nasa 73,110 na manok at itik na ang nakatay ng DA.

Ayon kay DOH Asec. Erick Tayag nagpahayag naman ng suporta ang DOH sa rekomendasyon ni Sec. Piñol na i-incinerate ang mga manok at itik na apektado ng virus para mas mapabilis ang culling process.

Hihingi ng konsultasyon ang DA sa Depatment of Environment and Natural Resources sa planong ito para matiyak kung naayon ba ito at kung hindi nila malalabag ang probisyon ng Clean Air Act.

Ayon kay Col. Antonio Nafarrete, Philippine Army Operation Division, magdedelpoy din ng 1 batalyon ang kanilang tropa para magbantay sa area ng Pampanga na mag-a-assist din sa isasagawang culling ng ahensya.

Facebook Comments