600 pamilya na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal, nailipat na sa permanent housing

Aabot sa 600 mga pamilya na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal ang nailipat na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa pagdinig ng House Special Committee on Southern Tagalog Development, sinabi ni DHSUD Region 4 Director Jeck Otero na 600 mula sa kabuuang 2,520 na pamilya ang napagkalooban ng permanent housing sa Talaibong, Ibaan, Batangas.

Tiniyak ni Otero na mayroon na ring commitment ang ahensya para 1,008 na housing units sa limang tukoy na barangay at naghihintay na lamang ng budget para sa land acquisition.


Ang ahensya ay mangangailangan na lamang ng 912 na housing units para sa mga natitira pang apektadong pamilya.

Ayon naman kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Region Office 4 Engineer Denmar Naval aabot sa ₱6.9 billion ang kabuuang pondo na kailangan para sa repair, rehabilitation at recovery project ng mga nasirang imprastraktura bunsod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Facebook Comments