Pag-atake sa isang Pinay senior citizen sa New York, kinundena ng DFA

Kinundena ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr., ang pag-atake sa 65-year-old na Pilipina sa Times Square sa New York, USA nitong Lunes Santo.

Nabatid na naglalakad ang Pinay sa midtown Manhattan nang lapitan ito ng suspek at sinipa sa tiyan hanggang sa bumagsak.

Sa pagsugod ng Amerikano sa naturang Pinay, sinigawan din ito ng “You don’t belong here.”


Isinugod naman ang Pinay sa ospital matapos itong magtamo ng mga sugat.

Ang panibagong pag-atake ay lalo pang nagdulot ng takot sa Asian-Americans sa US.

Facebook Comments