600 Pamilya sa Cauayan City, Apektado ng Pagbaha dahil sa Bagyong Ulysses

Cauayan City, Isabela- Nagbabala si Cauayan City Mayor Bernard Dy sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na hakbang ng mga otoridad para sa kaligtasan ng lahat ngayong nararanasan ang malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Mayor Dy, aarestuhin ang sinuman na hindi susunod na lumikas sakaling magpaabiso ang mga otoridad.

Aniya, tinatayang nasa 600 pamilya na ang apektado ng pagbaha sa lungsod at hinihiling nito n asana ay hindi magtuloy-tuloy ang pag-uulan upang hindi na madagdagan pa ng nasabing bilang ng mga naapektuhan.


Dagdag pa ng opisyal, ilan sa kanilang pinag-aaralan ngayon ang ‘no build zone’ o pagbabawal na pagtatayo ng mga istraktura sa mga lugar na bahain gaya ng Sipat St. ng Barangay District 3.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga residenteng apektado ng malawakang pagbaha.

Paalala din nito sa publiko na kailangang isipin muna ang kaligtasan bago pa man ang pagsasalba ng mga kagamitan ngayong nakakaranas ang karamihan ng sakuna.

Facebook Comments