600 pang persons deprived of liberty (PDLs) ang irerekomenda ng Department of Justice (DOJ) para mabigyan ng Executive Clemency ni Pangulong Bongbong Marcos bago matapos ang taon.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na makikipag-dayalogo siya kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa unang linggo ng Disyembre para sa rekomendasyon para sa clemency.
Samantala, inihayag ni Remulla na plano nila na pagdating ng taong 2028 ay mawala na ang New Bilibid Prisons (NBP).
Sa halip ito ay mapalitan ng regional prisons upang mas mapalapit ang pamilya ng mga preso sa mga nakakulong na inmates.
Ang kasalukuyan aniyang central at mega prison gaya ng NBP ay hadlang sa pagdalaw ng pamilya ng inmates mula sa mga malalayong lugar.
Facebook Comments