600 SENIOR CITIZENS SA BINALONAN, NAKILAHOK SA FUN WALK AT ZUMBA SA SELEBRASYON NG ELDERLY FILIPINO WEEK

Malakas pa ang buto-buto! ‘Yan ang pinatunayan ng 600 senior citizens mula sa 24 na barangays sa bayan ng Binalonan sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week nitong October 7, 2025.

Sa theme na “Embracing Age: Living A Life With Dignity and Purpose”, ipinakita ng mga lolo at lola sa naganap na Morning Fun Walk at Zumba ang kanilang masiglang katawan sa kabila ng kanilang edad.

Sa bawat hakbang at bawat indak, kita sa mga ngiti sa labi nila ang kagalakan na sila’y binibigyang halaga sa selebrasyon na ito.

Ang Elderly Filipino Week ay isa ring paraan upang kilalanin ang mga kontribusyon ng bawat senior citizens sa komunidad na siyang nagsisilbing haligi ng bayan.

Magtatapos ang selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa Binalonan sa ngayong araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments