Manila, Philippines – Umabot sa anim na libong estudyante ang dumagsa sa Tacloban para makuha ang 5,000 pesos na ipinangako ng Commission on Higher Education (CHED).
Nabatid na inanunsyo ni CHED Commissioner Prospero De Vera na makakatanggap ng one time cash assistance ang libu-libong estudyanteng nakaligtas sa hagupit ng bagyong Yolanda taong 2013.
Pero paglilinaw ni De Vera na tanging mga college students na nagaaral sa probinsyang binayo ng Yolanda lamang ang makatatanggap ng tulong pinansyal.
Ayon kay De Vera, hindi lahat ng dumagsa sa syudad ay makatatanggap dahil pre-identified o inilista na roon noon pang marso ang pangalan ng mga mabibigyan ng nasabing ayuda.
Facebook Comments