6,000 pamilya na biktima ng Marawi seige, natulungan ng PRC 

Dalawang taon makaraan ang Marawi siege, iniulat ng Philippine Red Cross (PRC) na nasa 6,000 displaced families ang natulungan nilang makapagpatayo ng tahanan at nakapagsimula ng hanapbuhay.

Sa post distribution monitoring ng PRC ang P30.1 million dito ay tulong ng International Committee of the Red Cross na ginamit sa household livelihood at shelter repair assistance ng mga apektadong pamilya sa Marawi.

Sinabi naman ni PRC Chairman Richard Gordon, na kabuuang 2,307 rebel returnees ang nakatanggap ng P10,000 household livelihood assistance.


Paliwanag nito karamihan sa mga benepisyaryo ay ginamit ang kanilang kapital para sa pagtatayo ng maliit na pagkakakitaan o negosyo kabilang dito ang sari-sari stores, retail shops at karinderya mayroon ding nag-tricycle, habal-habal, nasa construction, carpentry, fishing at farming.

Maliban dito nakapagpamahagi din ang Red Cross ng shelter toolkits sa 3,792 na pamilya. Sa nasabing bilang 1,385 families ay mula sa 11 evacuation centers in Lanao del Sur and Lanao del Norte at 2,407 households sa 3 Kambalingan barangays.

Samantala, noon ding 2017 kinilala ng provincial government ng Lanao del Sur ang Red Cross bilang isa sa pinakaunang nakapagbigay ng humanitarian assistance sa kanilang lugar matapos sumiklab ang gulo sa Marawi.

Facebook Comments