6,000 pulis, ipakakalat sa paligid ng Batasang Pambansa bilang paghahanda sa SONA 2017

Manila, Philippines – Tinatayang anim na libong pulis ang ikakalat ng PNP-NCR sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Kabilang sa mga lugar na babantayan ng mga ito ay ang pagdarausan ng mga kilos protesta ng mga militanteng grupo sa mismong araw ng SONA.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, papayagan ang mga raliyista na mag-okupa ng ilang lane sa Commonwealth Avenue papuntang Batasan Complex.


Bukod aniya sa mga pulis sa Metro Manila, inaasahan na ring may pakikilusing puwersa mula sa Armed Forces of the Philippines para sumuporta sa pagbabantay sa seguridad sa sona ng pangulo.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na magiging simple lang ang ikalawang SONA ni Pangulong Duterte.

Sinigurado nitong walang magaganap na mala-fashion show, tulad ng nangyari sa unang SONA.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments