Nasa 6,450 na trabaho ang alok ngayon ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic.
Inilunsad ng OVP ang online platform na “bayanihanapbuhay” para tulungan ang mga walang trabaho sa panahon ng krisis.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, ang job vacancies ay makikita sa website na Sikap.ph.
Aniya, maaaring direktang mag-apply basta sundin lamang ang mga instructions.
Ang mga interesadong aplikante na nangangailangan ng tulong ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email sa bayanihanapbuhay@ovp.gov.ph
Kabilang sa mga alok na trabaho ay aircon technicians, staff nurses, automotive mechanic, forklift operator, industrial electrician, financial advisor, digital marketing manager at business development associates.
Karamihan sa mga trabaho ay mula sa Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, Cebu at Iloilo.
May ilang kumpanya rin ang naghahanap ng returning overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho ngayong pandemya.
Sa ngayon, naghahanap din si Robredo ng partner sa pribadong sektor na magbibigay ng skills training at certification course online.