60,000 NA MANGROVE SEEDLINGS, IPINAMAHAGI SA SIYAM NA COASTAL AREAS NG PANGASINAN

Naipamahagi sa siyam na bayan at lungsod sa Pangasinan ang libu-libong mangrove seedlings bilang suporta sa Risk Resiliency Program ng pamahalaang Panlalawigan.
Kabuuang 60,000 na piraso ng mangrove seedlings ang nakatakdang itanim sa siyam na lugar sa lalawigan upang suportahan ang implementasyon ng coastal resource management upang protektahan ang kalikasan.
Napiling magtatanim sa tinatayang 20 hectares na coastal barangays ang mga marginalized fisherfolks, magsasaka at grupo ng mga kababaihang mula sa mga bayan ng Bolinao, Anda, Bani, Alaminos City, Sual, Labrador, Infanta, Mabini at Dasol bilang benepisyaryo sa cash for work program na ito ng pamahalaan kung saan sila ay magtatrabaho ng sampung araw at makakatanggap ng tig P3,400.

Layunin ng programang ito upang magkaroon ng environmental and rehabilitation project para makatulong na mabawasan ang epekto o pagbabago ng climate change sa pamamagitan pagtatanim ng bakawan. |ifmnews
Facebook Comments