61 Miyembro ng Anakpawis, Tumiwalag sa Grupo

Cauayan City, Isabela- Nagkaisa ang 61 na mga miyembro ng Anakpawis upang tumiwalag sa grupo at sumuko na lamang sa mga otoridad sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Kasabay ng pagsuko ng mga Anakpawis members ay bitbit ang kanilang mga placards na nagpapakita ng kanilang pagkundena at ’di pagsuporta sa CPP-NPA-NDF.

Ibinulgar ng mga ito na sila ay nirekrut ng nagngangalang Randy Batara at Marlou Atendido sa ilalim ng pamumuno ni Isabelo Adviento.


Hindi rin umano tinupad ni Adviento ang kanyang mga pangako na sila ay tutulungan sa kanilang mga problema.

Umamin din ang mga dating miyembro na sila ay lumahok sa isinagawang rally o kilos protesta sa iba’t-ibang panig ng probinsya ng Cagayan at sa pagdiriwang ng anibersaryo ng CPP-NPA.

Sa kasalukuyan, ang kanilang organisasyon ay tinawag na “Anak ti Mannalon Dalaoig/Agani’ Chapter.

Naniniwala ang Alcala Police Station na ang pagsuko ng 61 Anakpawis members ay resulta ng kanilang patuloy at maigting na pagsasagawa ng mga aktibidades sa loob ng munisipalidad batay na rin sa ipinatutupad na EO 70 o NTF-ELCAC ng pamahalaan.

Facebook Comments