62 Anyos na Lolo, Nagbigti Patay

42

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang 62 taong gulang na lolo matapos kitilin ang kanyang sariling buhay sa Bagay, Tuguegarao City, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Eduardo Tumailuan, walang asawa, construction worker at residente rin sa nabanggit na lugar.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinabi ni Ginang Juliet Rigonan, 41 taong gulang na residente rin sa lugar na habang naglalaba ito ay nakarinig ng kalabog mula sa bahay ng biktima.

Napansin rin umano nito sa nakabukas na pintuan na may ulo sa sahig kaya’t agad na tinawag ang babaeng kapatid ng biktima para tingnan ang napansin nito.

Nagulat na lamang ang kapatid ng biktima nang makita ang nakabulagta na katawan sa sahig.

Nirespondehan naman ito ng mga kasapi ng Tuguegarao City Police Station subalit nalagutan na ng hininga nang masuri ang biktima.




Narekober naman sa leeg ng biktima ang nakataling nylon na ginamit sa kanyang pagbigti.

Dinala na sa punerarya ang bangkay ng biktima para sa post mortem examination.

Facebook Comments