Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong positibo sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela.
Sa datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 8, 2021, animnapu’t tatlo (63) ang naitalang bagong positibo sa probinsya habang lima (5) lamang ang bagong gumaling.
Mula sa bagong kaso, ang labing dalawa (12) ay naitala sa Lungsod ng Santiago; labing dalawa (12) rin sa bayan ng San Manuel; labing isa (11) sa Sta. Maria; sampu (10) sa Lungsod ng Cauayan; lima (5) sa bayan ng Echgue; tatlo (3) sa bayan ng Cabagan; tig-dalawa (2) sa Lungsod ng Ilagan, Ramon at Cordon; at tig-isa (1) sa bayan ng Gamu, Roxas, San Pablo at Tumauini.
Dahil dito, umakyat sa 581 ang bilang ng aktibong kaso ngayong araw at umaabot naman sa 5,607 ang total confirmed cases.
Bahagya namang nadagdagan sa 4,917 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa nasabing sa probinsya.
Nasa 109 naman ang bilang ng nasawi na tinamaan ng COVID-19.
Sa bilang ng aktibong kaso, 491 rito ay dahil sa local transmission; animnapu’t walo (68) ay mga Health workers; labing anim (16) na Locally Stranded Individuals at anim (6) na kasapi ng Philippine National Police.