63 Piglets, Vitamins at Feeds Supply, Binigay sa mga Hog raiser ng Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Namigay ang Department of Agriculture (DA) Region 2 ng nasa 63 piglets sa mga hog raiser sa ilang bayan ng Nueva Vizcaya.

Layunin nito na matulungan ang mga apektado ng naging epekto ng African Swine Fevers (ASF).

Ayon kay DA Provincial Officer Arsenio Apostol, ang sentinel piglets ay ipinagkaloob sa backyard hog growers sa mga bayan ng Kayapa, Dupax del Norte, Bayombong, Bagabag, Bambang, Villaverde at Kasibu.


Aniya, nakatanggap rin ang hog raisers ng feeds supply at vitamins sa mga alagang baboy.

Ayon pa sa kanya, ang naturang tulong ay bahagi ng Integrated National Swine Program Initiative for Recovery and Expansion (INSPIRE) ng ahensya at Barangay Bantay sa ASF (BABAY ASF).

Sinabi ni Apostol na ang INSPIRE ay inilunsad nang maaga sa taong ito ng DA upang mapanday ang mas malakas na pakikipagsosyo sa mga stakeholder at sama-samang pagkilos upang makatulong na malutas ang problema sa ASF at mapadali ang pagbawi ng industriya ng baboy sa bansa

Kamaikailan ng ilunsad ng ahensya ang programa upang mas mapagtibay ang pakikipagtulungan katuwang ang iba pang stakeholders at maresolba ang problema sa ASF at tuluyang makabawi sa pagkalugi mula sa epekto ng ASF.

Facebook Comments