Tuesday, November 10, 2026

63 TAONG GULANG NA LALAKI, ARESTADO DAHIL SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE SA SISON, PANGASINAN

Arestado ang isang 63-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Asan Norte, Sison, Pangasinan.

Ayon sa Sison Municipal Police Station, isinagawa ang pag-aresto sa suspek kaugnay ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code na may inerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱13,000.

Ayon sa kapulisan, bahagi ito ng kanilang patuloy na kampanya laban sa mga wanted person at pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad.

Patuloy naman ang panawagan ng Philippine National Police sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng bawat mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments