Tuesday, November 10, 2026

MGA BASAG NA BOTE SA CANDON HIGHWAY SA ILOCOS SUR, NILINISNG TUGUDIN POLICE

Nilinis ng mga kapulisan mula sa Tagudin Police ang mga basag ba salamin sa Candon National Highway sa Barangay Ayudante, Candon City, Ilocos Sur, upang maiwasan ang posibleng aksidente sa mga motorista.

Nagkalat sa kalsada ang mga basag na bote matapos mahulog mula sa isang truck ang mga kahon na naglalaman ng mga walang lamang bote ng softdrinks.

Agad namang rumesponde sina Patrolman Arnel T. Pugasen at ang kaniyang mga kasamahan mula sa 2nd District Tagudin Tourist Police Assistance Center upang alisin ang mga basag na salamin sa kalsada.

Layunin ng nasabing paglilinis na maiwasan ang pagkabutas ng mga gulong ng sasakyan at iba pang panganib sa mga motorista.

Sa kasalukuyan, ligtas nang madaraanan ng mga motorista ang nasabing kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments