634 na bagong kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19, naitala ng DOH ; LGUs, inalerto

Nakapagtala ang Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines National Institutes of Health (UP-NIH) ng panibagong 634 na kaso ng iba’t ibang variants ng COVID-19 sa bansa.

264 dito ay Alpha o UK variant, 299 ang Beta o South African variant cases, 16 Delta o Indian variant cases at 55 Theta variant cases.

Ang naturang variants ay na-detect mula pinakahuling batch ng samples na isinailalim sa sequencing ng UP-PGC.


Sa ngayon, umaabot na sa 8,557 samples ang naisailalim sa sequencing.

3,424 sa naturang samples ay may variants na mino-monitor ngayon ng DOH

Matapos naman na maitala ang local cases ng Delta variant, inalerto ng DOH ang Local Government Units (LGUs) na panatilihin ang mahigpit na pagpapairal ng health protocols sa kani-kanilang nasasakupang lugar lalo na’t mas mabilis makahawa ang nasabing variant.

Facebook Comments