64.1 million doses ng COVID-19 vaccines, naiturok na sa buong bansa

Nakapaturok na ang pamahalaan ng 64.1 million doses ng COVID-19 vaccines sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 18.4 million ay naiturok sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 38.21 percent ng target population ng gobyerno sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus na katumbas ng 29.4 million na mga Pilipino.


Sa Metro Manila, 89.85% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na laban sa virus na katumbas ng 8.7 million na mga Pilipino.

Habang umakyat na rin sa 98.94% ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

Nitong linggo ay nasa 462,160 daily jabs ang bakunang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa, sa loob lamang ng isang araw.

Facebook Comments