64-Anyos na Babae sa Cauayan City, Bagong Naitalang Positibo sa COVID-19

235

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isang (1) panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Ang nagpositibo ay si CV1828, babae, 64 taong gulang, may-asawa at residente ng Barangay Minante Uno.

Siya ay nakaranas ng pag-uubo, lagnat at pananakit ng lalamunan noong September 27, 2020 at siya ay inadmit sa isang pribadong ospital sa lungsod ng Cauayan.

Kinuhanan siya ng swab sample noong September 30, 2020 at lumabas ang resulta ng kanyang swab test na siya ay positibo sa COVID-19.

Walang naging travel of history ang pasyente samantalang ang kaniyang history of exposure ay kasalukuyang iniimbestigahan ng City Health Office, kasabay ng pagsasagawa ng contact-tracing.

Nananatili ngayon sa pangangalaga ng pribadong hospital ang nasabing bagong nagpositibo.

Facebook Comments