64 government officials, na-dismissed sa serbisyo – Pangulong Duterte

Nasa 64 na government officials ang nasibak sa pwesto dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.

Ang listahan ng Pangulo ay binubuo ng mga dating public servants kabilang ang isang dating Cabinet member, ilang alkalde, pulis, barangay officials, at mga tauhan mula sa iba’t ibang tanggapan.

Kabilang sa mga binanggit ni Pangulong Duterte ay sina dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman at dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.


Si Pangandaman ay nagsilbi sa ilalim ng Arroyo Administration habang si Mabilog ay na-dismiss sa grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ilan pa sa mga opisyal na nakalista ay mula sa tanggapan ng agrian reform, education, customs, militar at pulis.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga korapsyon sa gobyerno at panagutin ang mga nasasangkot.

Facebook Comments