65 anyos sa Nueva Ecija, nakapagtapos ng elementarya

Isa si Aida Morales, 65 taong gulang, sa mga nakapagtapos ng Department of Education ALS (Alternative Learning System)  ngayong taon.

Tubong Nueva Ecija, Grade 4 lamang ang natapos limang dekada na ang nakakaraan. Dahil sa kahirapan, napilitan siyang huminto sa pag-aaral.

Noong 2017, sinikap niyang tuparin ang tsansang makapag-aral muli. Nagpasa siya ng requirements sa DepEd at nakapag-aral muli.


“Hindi po naging hadlang sa akin ang aking edad para maabot ko at magawa ko na ako’y ga-graduate. May kasabihan na kapag may tiyaga, may pag-asa,” ani Morales.

Pahayag naman ni Melvin Lazaro, ALS coordinator ng Gapan City, na layunin ng program ang edukasyon para sa lahat.

“That’s why ALS Gapan is also providing livelihood, skills training and outreach program to out-of-school youths aside from the literacy program. Through this strategy, we are able to address their unique needs and win them back to the education system,” sabi ni Lazaro.

Facebook Comments