
Naka Pagkolekta ng 65 bag ng dugo ang La Union Police Provincial Office sa isinagawang blood donation drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Isinagawa ang aktibidad umaga kahapon, Marso 11, sa Camp Diego Silang sa San Fernando City, La Union sa pakikipagtulungan ng Ilocos Training and Regional Medical Center.
Nakiisa sa blood donation drive ang mga tauhan mula sa iba’t ibang police station, provincial mobile force companies, La Union PPO headquarters, Regional Anti-Cybercrime Unit 1, Regional Intelligence Unit 1, at Provincial Medical and Dental Unit.
Lumahok din sa aktibidad ang mga OJT students mula sa Saint John Bosco College of Northern Luzon at Saint Louis College.
Layunin ng programa na suportahan ang “Sagut a Biag,” isang inisyatiba ng pulisya na tumutulong sa mga indigent at mga tauhan ng PNP at kanilang mga dependents na nangangailangan ng agarang blood transfusion. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










