
Cauayan City – Patay ang driver at pahinante matapos tumaob ang kanilang sinasakyang truck na may kargang baka sa Barangay Asin Road, Baguio City nitong Biyernes ng hapon ika-6 ng Marso, 2026.
Nangyari ang insidente kung saan pababa mula Taloy Norte sa Tuba, Benguet ang truck nang mabangga nito ang isang multi-purpose vehicle.
Ayon sa ulat, sumalpok ang truck sa may konkretong railings sa gilid ng kalsada bago tuluyang tumaob.
Samantala, patay rin sa naturang insidente ang apat sa limang baka na sakay ng truck.
Facebook Comments









