Sunday, March 8, 2026

65 na OFW mula Dubai, nakauwi na ng bansa

Ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang 65 na Overseas Filipino Workers (OFWs) at tatlong bata na stranded mula sa Dubai.

Lulan ng Emirates Airlines EK 334, lumapag ang eroplanong sakay ang mga OFW sa Ninony Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagsalubong sa mga repatriate na na-stranded bunsod sa nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Samantala, kasama rin sa pagsalubong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga OFW.

Agad namang nabigyan ng tulong ang mga umuwing OFW gaya ng financial at transportation assistance para sa pagbalik sa kanilang mga probinsya, temporary accomodation, at psychosocial at medical asisstance.

Facebook Comments