
Nanawagan si Risa Hontiveros sa United States at Iran na itigil ang digmaan at bumalik sa negosasyon kaugnay ng nuclear issue.
Tinukoy ni Hontiveros na bago ang pag-atake ng United States at Israel sa Iran ay may ongoing na dayalogo sa pagitan ng United States at Iran upang solusyunan ang usapin sa nuclear program ng Tehran, ang Oman ang nagsilbing facilitator o mediator sa naturang usapan.
Isa rin ito sa mga itinuturong dahilan ng tumitinding tensyon sa pagitan ng United States at Iran dahil dalawang araw matapos ang dayalogo ay nagkaroon ng kaguluhan.
Nanghihinayang ang senadora dahil may naitalang partial progress ang Oman sa US-Iranian talks.
Giit ni Hontiveros, ang kanyang urgent call sa US, Israel at Iran ay tigil-putukan, bumalik sa negosasyon.
Nauna ring hiniling ng mambabatas sa pamahalaan ang agarang pagpapauwi sa mga kababayan sa Middle East na nais makabalik ng Pilipinas, tuloy-tuloy na pagbibigay ng tulong at suporta sa Overseas Filipino Workers (OFWs), at paglalatag ng long-term plan para sa energy security, lalo’t hindi batid kung hanggang kailan tatagal ang epekto ng nasabing krisis.










