65 na refugees at migrants, patay sa paglubog ng bangka sa Mediterranean Sea

Patay ang 65 na indibiduwal matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Mediterranean Sea sa Tunisia.

Ayon sa United Nations Refugee Agency (UNHCR), lulan ng bangka ang mga refugees at migrants mula sa Zuwara, Libya dahil sa lumalalang tensyon doon.

Nasa 16 naman ang nailigtas sa pagsaklolo ng isang fishing boat.


Libu-libong migrante ang tumatawid sa Mediterranean patungong Europe kada taon at ilang beses nang nagkaroon ng insidente ng paglubog ng bangka dahil sa overcrowding.

Facebook Comments