Sen. JV Ejercito, pasok sa magic 12!

Manila, Philippines – Pasok si Senador JV Ejercito sa magic 12 ng final pre-election senatorial survey ng Pulse Asia.

Sa inilabas na final survey ng Pulse, dalawang araw bago ang halalan sa Lunes, pasok sa pang siyam hanggang 15th na pwesto si Ejercito na tumatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Nakakuha siya ng 31.2 percent ng mga botante na nagsabing si Ejercito ang kanilang iboboto.


Bukod kay JV, pasok din sa final senatorial survey ng Pulse si Senadora Cynthia Villar na nakakuha ng 55.9 percent sa unang pwesto habang sinundan ni Senadora Grace Poe na may 47.7 percent.

Isinagawa ang final pre-election survey ng Pulse noong May 3 hanggang 6 sa 1,800 registered voters nationwide.

Facebook Comments