65% ng mga Pilipino, umasang masaya ang kanilang pasko ngayong taon – survey

Mayorya sa mga Pilipino ang umasang magiging masaya ang pagdiriwang ng kanilang Pasko.

Batay sa Social Weather Station (SWS) survey, 65% mula sa 1,440 na respondents ang umaasang masaya ang kanilang Pasko na higit na mas mataas kumpara sa naitalang 50 percent noong nakaraang taon.

Habang walong porsyento naman ang nagsabing malungkot ang kanilang Pasko at 22 percent ang hindi masabi kung sila ay masaya o malungkot.


Samantala, 42% naman ang nagsabing hindi kasing saya ng Pasko bago ang pandemya ang pagdiriwang ngayon.

Nabatid na taong 2022 nang maitala ng SWS ang 82% ng mga Pilipinong umaasang masaya ang kanilang Pasko.

Facebook Comments