Search and rescue operations para sa nawawalang Chinese fishermen, ikinasa ng PCG

Magsasagawa na ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa pitong Chinese fishermen na naiulat na nawawala sa Pag-asa Island.

Ayon sa PCG, nagpadala na sila ng tatlong sasakyang pandagat kasunod na rin ng kahilingan ng Chinese Embassy.

Anila, Disyembre 10 nang nanghingi ng tulong sa kanila ang nasabing embahada matapos bigong mahanap ng Chinese Coast Guard ang kanilang mga mangingisda.


Maliban dito, ipinag-utos na rin ng PCG sa Palawan Coast Guard na i-assist at maglabas ng babala sa mariners na maging lookout sakaling makita ang mga Chinese fishermen.

Facebook Comments