650,000 pamilya sa Maynila, mabibigyan ng food packs ngayong Pasko

PHOTO COURTESY: Isko Moreno Domagoso FB PAGE

Maghahandog ng regalo ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pamilya sa lungsod sa papalapit na Pasko.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nakahanda at ipapamahagi na lang ang mga ibibigay na food packs para sa mga pamilya ng lungsod.

Aabot sa 650,000 pamilyang Manileño ang mabibigyan ng food packs.


Sa ibinahaging larawan ni Moreno sa kanyang Facebook account, makikitang ininspeksyon nito ang food boxes sa storage area ng Pritil Market kung saan nakalagay ang food packs para sa mga pamilyang Manileño.

Kabilang sa mga ipapamahagi ay spaghetti, macaroni at iba pang pang-Noche Buena at may karagdagan pang gift pack na limang kilong organic rice para sa mga senior citizens.

Nais aniya ng pamahalaang lungsod na may mapagsaluhan ang bawat pamilya sa Maynila ngayong Pasko.

Facebook Comments