Suspek sa pagpatay kay Atty. Joey Wee, inilipad na patungong Cebu City

Dinala na sa Cebu City ang suspect sa pagpatay kay Atty. Joey Luis Wee matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes, Dec 8, sa Cabuyao, Laguna.

Escorted ng mga ahente ng NBI ang suspek na si Fausto Edgar Peralta, 55 years old, nang isakay ito sa eroplano ng Philippine Airlines.

Sa interogasyon sa kaniya, lumabas na isang security guard si Peralta ng Golden Sun Security Agency sa Pasig City.


Magugunitang nito lamang November 23, 2020 binaril si Atty. Wee at napatay sa loob mismo ng tanggapan nito sa Brgy. Kasambagan, Cebu City.

Hindi na nagbigay ng anumang pahayag sa media ang suspect at bahala na aniya ang kanyang abogado.

Facebook Comments